Thursday, May 27, 2010

This post is to remind me of this moment :D

May 28, 12:17 am

Something nice just happened. I love you.

>> I wanted it sana in person kaso ayan na. haha. sana wag niyang i-brag ang tungkol dito. kasi dati ko pa naman to sinasabi. tsaka i feel bad kapag parang ang easy to get naman. 2 weeks? not bad?! so what is this, some kind of a game??? anyway. sana maging ok na lang. :D |g|

Monday, May 24, 2010

The Anilao Underwater Escapade


The next best place to being by your side. |b|

Sunday, May 23, 2010

Never Say No To Enchanted Kingdom


I hope this will turn out better than we planned it before. :D |g|

Anniversary Post |b|

uhmmmm.. paano ko ba ito sisimulan..

sige ganito na lang.. sa totoo lang di ko ineexpect na magpopost siya ng ganun para sakin.. naappreciate ko un.. ibang iba talaga siya sa pagkakakilala ko sa kanya nung freshmen pa lang kami.. natatakot ako s kanya.. parang ang suplada nya.. pero nagkamali ako.. nalaman ko ang tunay nyang ugali nang maging close kami.. biruin mo nung freshmen pa lang kami hindi kami nagkikibuan kahit na magkaklase kami.. kahit sinong makakita sa kanya sasabihin suplada siya.. pero maniniwala kaya kayo kung sasabihin kong di siya ganun? mabait siya pag nakilala niyo siya..

para sakin she's one of a kind.. nagustuhan ko siya dahil hindi siya tulad ng ibang girls na magpapacute sa harapan mo o gagawa ng eksena para pansinin mo.. siya? nasa isang tabi lang.. kung hindi nagbabasa.. nagsusulat.. di kayo magkakausap kung hindi mo siya lalapitan.. sa description ko parang sobrang seryoso niya sa buhay noh? pero ndi naman ganun.. maniniwala ba kayo na ang sweet sweet niya? kunwari busy ako tapos bigla na lang yan lalapit ihuhug ako.. lalo na pag may kasalanan yan sakin.. nako.. talaga naman ayaw paawat sa paglalambing hangga't hindi mo sinasabing d ka na galit.. pero sakin lang un.. hindi niya gagawin sa inyo yun kung hindi kayo magkakilala ng lubusan.. kaya mamatay kayo sa inggit! wahahahaha!

siguro ngayon napapangiti na siya.. sana lang.. kasi isa pa yun sa nagustuhan ko sa kanya.. masayahin siya.. very positive sa buhay.. ayan nagiging seryoso na naman ako.. wag na nga maituloy baka mapaiyak pa ko at masend sa MMK ang story ko.. aw.. hehe..

balik tayo sa event.. oo nga.. 1 year na tayo.. parang ang bilis ng mga pangyayari.. nalampasan natin ang araw araw na pag-aaway.. walang tigil na kulitan.. hay.. sana puro masaya na lang.. nakakasawa na yung puro away.. pero ok na rin un.. at least tumitibay tayo sa bawat nalalampasan nating problema.. tsaka ang mga away rin naman nating iyon ay nakakatulong upang makilala natin ang tunay na ugali ng isa't isa.. at kung magkatuluyan man tau.. hindi na tayo magugulat sa inaasal nating dalawa.. db?

anu kaya naramdaman niya habang binabasa niya ito? sana di siya inantok at sana naappreciate niya ang ginawa kong ito.. ngayon.. tatapusin ko na to.. baka naiinip na siya eh.. next time magpopost po uli aq..

o ayan.. salamat po uli sa lahat lahat.. di ko ineexpect na mamahalin mo ko.. pero ngayon nandito na tayo.. nakakagulat pero masaya ako..

love u so much ma.. marami pa tayo pagdadaanan pero sana malampasan natin ang lahat ng iyon..

more years to come!

*next year kailangan pareho pa rin tayong may post dito ah.. ",) |b|

Anniversary Post |g|

i just can't imagine how everything passed.. nagulat na lang ako, nandyan na siya.. parang dati lang.. ayan, magkakasalubong kami, pero dedma.. walang pakialam sa isa't isa, minsan nag-aaway.. hindi mo kinakausap hangga't hindi kailangan.. kahit nasa isang room lang naman kami..

san ka pa.. we have been together for almost 3 years pero naging close lang kami last year..
yes, it was june 10..",)

paano at bakit?.. kahit ako, hindi ko alam.. ung taong un, naq.. mrami rami ring sama ng loob ang naidulot nun sakin eh.. haha.. pero naq, wala naman akong masabi pag nagsimula ng maglambing! hindi ko matiis.. at sa lahat naman ng hinahanap ko.. napakaseryosong tao nyan, kahit minsan.. hmm.. weh.. haha.. nakakapikon nga eh.. d ko nga lubos maisip kung papaano kami nagkakasundo ng taong un!

paano nga ba?.. pero kung anuman un, wala na akong paki.. haha.. basta nagkakaintindihan kami at we're doing fine..

the scary beginning was over, we're already in the early middle part, i don't expect for any happy ending.. lahat naman natatapos in His time db.. at walang happy dun.. kaw ba naman kuhanin Niya.. oh db, dun lang kami maghihiwalay..",)

Anu kayang nararamdaman nung taong un habang binabasa niya 'to.. naiinip? natutuwa kaya siya?.. haha.. ayaw ko pa kasing tapusin eh.. para maglalagay lang ng greetings naging nobela na.. hmmm.. basta, endings are always sad, the middle part is what always counts.. nandito ung lahat lahat lahat! dito nakasalalay ang lahat.. kaya let us not be scared of sad endings.. we might miss the happiest part!

madami pa taung oras da.. we must not waste it!..",)

love you so much.. more years to come!..


*matutuwa ako kung next year magttype ulit ako ng ganitong message..",) |g|